Kakaunti ang nakiisa sa dry run ngayong araw ng provincial bus ban sa kabila ng pakiusap ng mga otoridad sa mga kompaniya ng bus.
Kaninang madaling araw, itinuloy pa rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nasabing dry run, kung saan nais sana nilang masubukan kung magiging epektibo ito sa pagpapaluwag sa daloy ng trapiko sa EDSA.
Sa bagong patakaran kasi ay ipagbabawal na ang pagpasok ng bus na manggagaling sa mga lalawigan.
Ang nagmula sa north ay magte-terminal lamang sa Valenzuela, habang ang mga galing sa south ay titigil lamang sa Sta. Rosa, Laguna.
Pero katwiran ni Alex Yague, executive director, Provincial Bus Operations Association of the PHL, hindi maaaring ipagpilitan ng MMDA ang implimentasyon nito dahil may court order na pumipigil muna sa provincial bus ban.