Nanguna ang PEA Tollway Corporation na siyang operator ng Manila-Cavite Toll Expressway sa pagsisimula ng dry run ngayong araw para sa 100% cashless toll collection.
Ang naturang dry run ay ipinatupad sa ibat -ibang toll plaza ng naturang expressway.
Pata sa kabatiran ng publiko,ang mga motoristang dadaan sa pamamagitan ng CAVITEX toll plaza sa Parañaque at Kawit, Cavite ay kailangan munang mag installed ng Radio Frequency Identification (RFID) stickers sa kanilang mga sasakyan.
Wala namang magiging cash lane sa kabuuan ng pagpapatupad ng dry run.
Samantala, ang mga mtorista na walang maipapakitang RFID pagkatapos ng dry run ay magmumulta ng 1000 sa unang paglabag.
Dalawang libong piso naman ang multa sa pangalawang paglabag at 5,000 sa mga ulit-ulit na lumalabag.
Pagmumultahin rin ng kumpanya ng parehong halaga ang mga motorista na gagamit ng pekeng RFID.
Para naman sa mga motorista na may RFID ngunit walang laman ay pagmumultahin ng 500 pesos, 1000 sa pangala at 2500 sa paulit ulit na hindi pagsunod sa panuntunan.