-- Advertisements --

Magsasagwa ang Toll Regulatory Board (TRB) ng dry-run ng contactless toll collections sa expressways sa Setyembre 1.

Sinabi ni TRB spokesperson Julius Corpuz na mga dalawang buwan ang nasabing dry run sa mga piling toll plaza.

Paglilinaw nito na mayroon pa ring mga cash lane para sa mga motorista na wala pang RFID.

Patuloy silang nagsasagawa ng pananaliksik para masolusyunan ang problema sa RFID.

Dahil dito ay patuloy ang panawagan ng TRB sa mga motorista na kumuha na lamang ng RFID para mapabilis ang kanilang pagdaan sa mga expressway.