-- Advertisements --
Nagsimula na ang dry run para sa Toll Collection Inter-Operability project na nagbibigay-daan sa mga motorista na gumamit ng isang radio frequency identification (RFID) sticker para sa iba’t ibang expressway.
Sa ngayon, mga piling sasakyan lamang ang magiging bahagi ng dry run.
Kabilang na dito ang North Luzon Expressway (NLEX), South Luzon Expressway (SLEX), Skyway, Manila-Cavite Expressway at Cavite-Laguna Expressway.
Susuriin ng Toll Regulatory Board (TRB) ang mga resulta ng dry run dahil target nitong maging cashless sa lahat ng expressway exit sa Hulyo 2024.
Sa ngayon, pinapayuhan ang mga motorista na gamitin ang sistema para sa mas mabilis na proseso sa pagdaan sa mga expressways.