Planong isagawa muli ng Manila Local Government Unit ang dry run hinggil sa ‘Carless Sunday’ na ipinatutupad sa naturang lugar.
Ito ay batay sa nilagdaan ni Manila City Mayor Honey Lacuna sa ilalim ng City Ordinance 9047 o mas kilala sa tawag na “Move Manila Car Free Sundays by the Bay” kung saan bubuksan nila ang ilang bahagi ng northbound at southbound lanes ng Roxas boulevard mula sa Padre Burgos Circle malapit sa Luneta hanggang sa Quirino Avenue.
Isinagawa ito upang magamit ng mga mamamayan ang daan sa pag e-ehersisyo, paglalakad, biking, roller skating at maging family bonding.
Bukod dito layunin din ng nasabing lokal na pamahalaan na kahit papaano ay mabawasan ang polusyon sa mga kalsada.
Magaganap ito mula ala-singko ng umaga hanggang alas nuebe ng umaga habang inabisuhan at binigyan naman ng ahensya ang mga motorista na alternatibong daan na maaari nilang magamit habang isinasagawa ang nasabing programa.