-- Advertisements --
Pormal ng iidineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang dry season o tag-araw.
Ayon sa ahensya, natapos na ang northeast monsoon o kilalang “amihan”.
Dagdag pa ng PAGASA na ang pagbabago ng wind direction mula sa northeasterly sa malaking bahagi ng bansa dahil sa High-Pressure Area (HPA) sa Northern Pacific Ocean ay nagpapahiwatig ng pagtatapos ng Northeast Monsoon at pagsisimula na ng dry season.
Sinabi naman ni Pagasa Administrator Vicente Malano na asahan na ang mas mainit na panahon sa malaking bahagi ng bansa.
Noong Mayo 2019 ay nagtala ng 52.2 degrees celsius ang Virac, Catanduanes.