Asahan ang lalo pang pag-init ng panahon sa Pilipinas, ngayong nagsimula na ang panahon ng tag-init.
Nagtapos na kasi ang pag-iral ng malamig na hanging amihan o northeast monsoon.
Ayon kay Pagasa Administrator Vicente Malano, karaniwan itong napagkakamaliang “summer season,†pero ang mas angkop na tawag umano ay “dry season.â€
Paliwanag ng weather bureau, dalawang uri ng panahon lamang ang umiiral sa Pilipinas at ito ay tag-ulan at tag-araw.
Habang ang katawagang “summer†ay mula sa mga lugar na may apat na uri ng klima.
Kinabibilangan ito ng “winter†o taglamig, “spring†o tagsibol, “autumn†o taglagas at ang “summer†o tag-init.
Kaugnay nito, nagbabala ang Pagasa sa publiko na iinit pa ang nararanasang temperatura, lalo na sa urban areas dahil sa heat island effect.
Sa panig naman ng Department of Health (DoH), sinabi ni Sec. Francisco Duque III na dapat pag-ibayuhin ang pag-iingat sa katawan dahil sa mga sakit na madalas tuwing dry season.
Marami ring kaso ng food poisoning kapag napapabayaan ang pagkain, lalo na kung ito ay lantad sa init ng araw o hindi maayos ang pagkakaluto.
Uso rin ang sore eyes, sakit sa balat, dehydration at iba pa kapag mainit ang temperatura.