-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development XII katuwang ang Local Government Unit of Midsayap ang Climate Change Apadtation and Mitigation (CCAM) Cash for Work Program.

Layon ng naturang programa na magbigay kamalayan sa komunidad patungkol sa climate change adaptation at mabawasan ang banta ng sakuna dahil sa natural na kalamidad.

Ayon kay Karl Ballentes ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO-Midsayap), nasa 275 beneficiaries mula sa 17 barangay na kinabibilangan ng Poblacion 1 , Poblacion 2, Poblacion 6, Agriculture, Central Glad, Salunayan, Nalin, Upper Glad I, Upper GLad II, Lower Glad, Arizona, Malamote, San Isidro, Bagumba, Kimagango at Upper Bulanan ang makakabenipsiyo sa naturang programa kung saan makakatanggap ito ng P233 per day sa loob ng 10-araw o may kabuoang P2,330.

Dagdag pa ng ahensiya, sesentro ang trabaho ng mga benepisyaryo sa canal declogging at community gardening.

Nagpahayag naman ng suporta at pasasalamat ang lokal na pamahalaan ng Midsayap sa programa ng DSWD XII na ipinagkaloob sa bayan.