-- Advertisements --

DSWD 12 NAGPALIWANAG UKOL SA EXPIRED NA FOOD PACKS NA NAIPAMIGAY SA MGA SENIOR CITIZENS

GENERAL SANTOS CITY – Humingi ng paumanhin ang Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 12 sa mga expired na relief goods na ibinigay sa Barangay Conel sa lungsod ng General Santos.

Ayon kay DWSD 12 Regional Director Loreto Cabaya Jr., noong nakaraang Agosto pa ibinigay ng kanilang tanggapan ang naturang tulong sa mga katuwang na ahensya ng gobyerno. Ito ay para sa nagdaang kalamidad ngunit hindi naubos.

Nang malaman nila ang ulat, agad nilang sinuri ang sitwasyon at wala namang naiulat na nagkasakit. Dagdag pa ng opisyal, agad na pinalitan ang mga food packs matapos malaman ang impormasyon.

Sa kabila nito inanunsiyo din ng opisyal sa mga senior citizens na hindi pa nakakatanggap ng tulong na pupunta lamang sa tanggapan ng City Disaster Risk Reduction Management sa syudad dahil nakahanda umano ang kanilang mga tanggapan para pangalagaan ang naturang grupo.