KORONADAL CITY – Nagpasalamat ang Department of Social Welfare-12 sa Bombo Radyo dahil kinilala nito ang kanilang mga hakbang upang mapabilang sa mga rehiyon na may mataas na payout rate ng Social Amelioration Program sa mga benepisyaryo, batay sa evaluation ng Department of Interior and Local Government.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay DSWD-12 Regional Executive Assistant Dennis Domingo, bunga ito ng masusing pagbabantay ng bawat tanggapan ng DSWD sa bawat bayan upang matiyak na may maibibigay na tulong.
Nabatid na sa naturang evaluation, kabilang ang Socksargen sa top 5 performing regions na may 98.92% payout rate, kung saan nangunguna dito ang Caraga (100%), sinundan ng Bicol region (99.96%), Cordillera Administrative Region (96.8%) at Zamboanga Peninsula (96.47%)