-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Nagpapatuloy ang suporta ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-12) sa mga estudyante ng day care sa bayan ng Kabacan sa Cotabato kahit pa sa gitna ng pandemya.
Tinanggap ng day care workers ng Kabacan ang 174 na sako ng bigas na magagamit para sa supplemental feeding program.
Matatandaang una nang tinanggap ng mga DCW ang ibang sangkap para sa suplemental feeding nitong nagdaan na Pebrero 1, 2021.
Nagagalak naman si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. sa tulong mula sa DSWD XII dahil abot sa 1,612 na day care children ang makakabenepisyo rito.