-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Social Welfare and Development-7 na umabot na sa P104.7 million pesos na halaga ng cash assistance ang naipamahagi ngayong tao sa 15,000 benepisyaryo sa Central Visayas sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program nito.

Inihayag ni Regional Director Shalaine Marie Lucero, karamihan sa mga ito ay may kinalaman sa mga gastusin sa pagpapagamot, kabilang ang mga dialysis treatment at chemotherapy.

Binigyang-diin ni Lucero na ang AICS ay idinisenyo upang tulungan ang mga indibidwal na nahaharap sa iba’t ibang mga krisis na siyang ikinokonsidera.

Kabilang na aniya dito ang mga medikal na emerhensiya, kawalan ng seguridad sa pagkain, mga biktima ng pang-aabuso, mga stranded na indibidwal, at mga apektado ng natural na kalamidad tulad ng bagyo.

Dagdag pa niya na depende na rin umano sa mga pangyayari at pagtatasa ng social worker, ang mga benepisyaryo ay maaaring makatanggap ng hanggang P10,000 cash assistance.

Samantala, hinimok naman nito ang mga pulitiko o kandidato sa midterm elections na huwag dumalo sa pamamahagi ng ayuda para sa social welfare programs nito at maiwasan ang pamumulitika ng mga programa tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), AKAP, at AICS.

Mahalaga pang maunawaan ng publiko na ang tulong pinansyal ay ibinibigay ng DSWD, hindi ng sinumang indibidwal na pulitiko.

Dahil kailangan pa aniya nilang makipag-ugnayan sa mga local government units bilang partner ay dadaanin pa nila ito sa maayos na usapan at hikayatin at mga opisyal sa lugar na hindi na sumali o lumahok sa pamamahagi.

“So, if you see them in the venue, we will not do the payout. I can stop the payouot anytime. So, but because we have to relay to the lgus, they are our partners, atuang agion sa storyang maayo,” saad pa ni Lucero.