-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patuloy pa rin ang pamimigay ng tulong para sa mga biktima ng Bagyong Paeng ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang pamahalaang panlalawigan sa isinagawang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) payout kung saan higit sa P2.02M kabuoang halaga ang naipamigay bilang cash assistance.

Matatandaan na ang nasabing payout ay para sa mga labis na naapektuhan ng Bagyong Paeng na ipinangako ni Senator Imee Marcos kay Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa kanyang pagbisita sa bayan ng Pigcawayan noong Nobyembre 4, 2022.

Abot sa 1,013 pamilya mula sa nasabing bayan ang tumanggap ng 2,000 pesos bawat isa sa nasabing aktibidad nito lamang sa bayan ng Kabacan kasama si Mayor Evangeline Pascua Guzman at Vice-Mayor Herlo Guzman Jr.

Kasabay nito, nagkaroon rin ng distribusyon ng relief packs mula sa tanggapan ni Senator Joel Villanueva na kinabibilangan ng 10 kilos na bigas, canned sardines, canned tuna, corned beef, coffee, at cereal oats.

Pinangunahan ng DSWD XII kasama ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ayon sa direktiba ni Governor Mendoza ang nasabing aktibidad.