-- Advertisements --
LA UNION – Aminado ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Region One na hindi sila sigurado kung kailan maibibigay ang mga late payout o ang tinatanggap na cash grant ng mga 4Ps beneficiaries sa iba’t ibang lugar sa Rehiyon.
Sinabi sa Bombo Radyo La Union ni Pantawid Information Officer Jaecem Gaces ng DSWD RO1, na wala pang nailalabas na pondo mula Department of Budget and Management (DBM) at hindi rin sila sigurado kung kailan matatanggap ang abiso na puwede nang i-cash out ng mga benipisyaryo.
Inamin ni Gaces, na may mga lugar at benificiaries na hindi nakatatanggap ng cash grant ng gobyerno sa tamang araw, dahil umano sa kawalan ng budget.