Lumadgda sa isang kasunduan sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian at Department of Education Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara para isulong ang kanilang bagong programa na “Tara Basa! Turoring Program”.
Ito ay para tuluyan nang maisakatuparan ang magiging implementasyon nito sa publiko lalo na sa mga batang nais matutong magbasa.
Paliwanag ni DSWD Asec. Irene Dumlao, layon ng programa na matulungan ang mga kabataan na mabigyan ang mga ito ng educational support at para matulungan at maturuan ang ilang mga kabataang hirap o non-reader students na bumasa at magsulat.
Siniguro din niya na ang pagpapatupad nito ay naaayon sa kooperasyon ng mga national government agencies at local government units para makapagbigay ng mga accessible na oportunidad lalo na sa mga estudyanteng mga nasa elementarya pa lamang.
Ngayong araw inaasahan na maisasakatuparan ang kolaborasyon sa pagitan ng dalawang ahensya sa DepEd Central Office sa Pasig City.
Samantala, isa lamang ito sa mga inilatag na programa ng ahensya na siyang makakatulong sa mga kabataan hanggang taong 2028.
Ngayong taon ay umabot ng 120,359 na mga estudyante ang natulungan ng programa at kasulukuyan nang mga mayroong mga improvements sa pagbabasa.