Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Interior and Local Government (DILG) na pangasiwaan na ang pamimigay ng mga cash aids sa isang local government units (LGU) sa Metro Manila.
Sa kaniyang lingguhang public address nitong Lunes ng gabi na may isang LGU na hindi marunong mamahagi ng mga tulong pinansiyal.
Hindi naman nito binanggit ang nasabing lungsod.
Dahil umano sa magdudulot ng kaguluhan kaya minabuti nito na pangunahan na lamang ng DSWD at DILG ang pamamahagi ng nasabing mga tulong pinansiyal.
Nauna ng sinabi ng DILG na sisimulan ang pamamahagi ng mga tulong pinansiyal na naapektuhan ng ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region sa Agosto 11.