LA UNION – Mahigit sa P2.3 milyon ang nakahandang quick response fund para sa disaster operation ng DSWD Region 1.
Una nang nakaposisyon na rin ang 13,843 relief goods na nagkakahalaga ng P4,983,480.
Ang mga nasabing relief goods ay nakalagay ngayon sa DSWD Region 1 warehouses na matatagpuan sa Barangay Biday, San Fernando City, La Union; Ilocos Sur Police Provincial Office sa Bantay, Ilocos Sur at limang storage hub sa lalawigan ng Pangasinan.
Samantala, handang-handa na rin ang Department of Health (DOH) Region 1 sa kanilang mga gamot at iba pang commodities kung sakali na nagkakahalaga naman ng mahigit sa P7-milyon.
Siniguro ni OCD Region-1 Director Melchito Castro, na naka-standby ang lahat ng member-agencies ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, Region 1 (RDRRMC1) sa sitwasyon at mahigpit na binabantayan ang seguridad ng mga residente.