-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagbigay na ng ayuda ang national government sa mga residente ng Antique na apektado ng oil spill mula sa tumaob na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Broderick Train, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer sa Antique, sinabi nito na umabot sa higit 7,000 na pamilya o 22,000 indibidwal ang apektado ng oil spill.

Ayon kay Train, P8,000 ang natanggap ng bawat pamilya mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Habang ang Local Goverment Unit naman ay nagbigay ng cash for work program.

Ayon sa opisyal, tuloy-tuloy ang kanilang pagpapadala ng pagkain, relief goods, at maging mga gamot dahil nagkakasakit na ang mga bata.

Ani Train, nagbabayanihan na ang mga Antiqueno para lang mapigilang kumalat pa ang oil spill.