-- Advertisements --

DAVAO CITY – Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tulong sa mga magsasaka na apektado ng dry spell sa Davao Region.

Aabot na sa ngayon sa P1.5 bilyon ang naitalang pinsala sa mga pananim dahil sa El Niño.

Ayon kay Mercedita Jabagat, regional director ng DSWD 11, nakapagbigay na sila ng inisyal na tulong sa mga apektadong magsasaka sa Davao Oriental.

Siniguro rin nitong magbibibay sila ng assistance sa mga katabing lalawigan na apektado ng dry spell.

Tiniyak naman din ng BFAR-11 na bibigyan nila ng tulong ang mga fish cage operators na apektado rin ng matinding init ng panahon.