Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) ang nakatakda nitong paglagda ng memorandum of agreement (MOA) sa Department Social Welfare and Development (DSWD) para matulungang kumita ang mga magsasaka.
Magugunitang dumadaing ang ilang grupo ng magsasaka dahil sumadsad na sa hanggang P7 ang presyo ng kada kilo ng palay na isinisisi nila sa pagpapatupad ng Rice Tarrification Law.
Sinabi ni Agriculture Sec. William Dar, target ng kasunduan sa DSWD na gawing pa-bigas na lang ang rice subsidy na P600 na karaniwang ibinigay na bahagi ng cash grant para sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program.
Ayon kay Sec. Dar, naghahanda na ang ang DA para sa pagpirma sa MOA at masimulan na ang sistemang ito sa susunod na buwan.
Kasabay nito, tiniyak din ni Sec. Dar ang mababang pautang sa mga magsasaka sa pamamagitan ng LandBank para hindi mapagsamantalahan ng mga nagpapautang na traders na may mataas na interes.