Binalaan ng Department of Social Welfare and Development ang publiko laban sa mga nagaalok ng regalong pamasko kapalit ng pagsagot sa survey.
Ayon sa ahensya , ito ay malinaw na isang panibagong scam o modus ngayong x-mas season na siya namang gumagamit sa pangalan ng kanilang tanggapan.
Kung maaalala, kumakalat ngayon online ang umano’y online link na kung saan nangangako ito ng ₱7,000 mula umano sa ahensya kapalit ng pagsagot sa kanilang survey questionnaire.
Ayon sa ahensya, isa lamang itong bugos kaya dapat ay huwag na paniwalaan.
Sa pamamagitan aniya ng pag-iwas sa pag click sa mga link na ito ay makakaiwas rin sa pagiging biktima ng naturang panloloko.
Hinimok rin nito ang lahat na ipagbigay alam sa kanila ang mga kahina-hinalang post o mensahe para magawan ng kaukulang aksyon ng DSWD.