BUTUAN CITY – Ilang araw matapos ang ma-defy ang mga transportation challenges patungo at mula sa mga isla, tuluyan nang nai-augment ng DSWD-Field Office Caraga, ang kabuu-ang 10,000 mga Family Food Packs (FFPs) para sa mga LGUs ng Siargao at Dinagat Islands.
Ito ay maliban pa sa Emergency life-saving assistance mula sa United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) Philippines na patungo na sa DSWD Caraga upang i-augment sa relief operations ng gobyerno para sa Surigao del Norte.
Inihatid ito matapos ang pakikipagpulong nila sa DSWD Caraga assistant regional director at head ng Disaster Response and Management Division kungsaan kanilang ina-assess ang displacement situation at nadetermina ang pangangailangan ng mga panilyang apektado ng bagyo.
Simula noong Disyembre a-16 sa kasagsagan ng paghagupit ng bagyong Odette ay wala pa rin tayong nakukuhang assessment report mula sa Surigao City dahil hanggang sa ngayon ay wala pa rin silang linya ng kuryente at signal sa mga telecommunication companies.