Katuwang ng Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) ang DSWD at DOH sa pagpapalakas ng implementasyon ng nutrition services sa bansa.
Layunin nito na malabanan ang problema sa nutrisyon sa bawat lokalidad.
Sa naganap na Mayor’s Forum with local officials kahapon, binigyan diin ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na lahat ng hinaing ng mga lokal na opisyal ay mapapakinggan lalong lalo na sa mga programa na ipatutupad ng ahensya.
Pagdating naman umano sa paglaban sa stunting, ang pagtatayo ng day care centers, paglilinis ng mga pasilidad at magpapabuti ng food security facilities ay ilan lamang sa maaaring gawin upang mabawasan ang malnutrition.
Magsasagawa rin ang DSWD ng community-based nutrition service delivery at multi-sectoral nutrition convergence sa pamamagitan ng Kapit-Bisig Laban Sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS) program.