Nakasailalim na sa Red Alert Status ang DSWD Disaster Response Command Center (DRCC), kasabay ng pagbabantay sa epekto ng bagyong Carina at ang nagpapatuloy na pag-ulang dulot ng lumalakas na Habagat.
Dito ay nakapokus ang ahensiya sa sitwasyon ng mga lugar na apektado ng naturang pag-ulan.
Una rito ay nagkaroon ng pagpupulong ang DSWD sa pangunguna ni Disaster Management Group Undersecretary Diane Rose Cajipe.
Ito ay upang isa-isahin ang nakahandang tugon ng ahensiya sa mga biktima ng dalawang magkasabay na sama ng panahon.
Batay sa naturang pulong, nakahanda na ang P2.5 billion na resources ng DSWD.
Mula sa naturang pondo, P103.34 million dito ay magagamit bilang standby funds.
Nakahanda rin ang P1.21 billion na halaga ng mga family food packs na handa nang ipamahagi sa mga mangangailangan.