-- Advertisements --

Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na rumesponde sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng malawakang pag-ulan at pagbaha dulot ng bagyong Kabayan sa bansa.

Matapos ang naging direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, pinulong na ni DSWD Disaster Response Management Group Undersecretary Diana Rose Cajipe ang mga DRMG cluster at Field Offices.

Layunin ng pagpupulong na ito na mailatag ang mga response measures sa magiging banta ng bagyo.

Mahigpit na rin na binabantayan ng ahensya ang lalawigan ng Northern Mindanao, Southern Visayas, at Central Palawan. Ang mga ito ay kabilang sa mga lalawigang posibleng daanan ng bagyo batay sa kasalukuyang tracking nito.

Tiniyak naman ng DSWD na sila ay naka tutok sa sitwasyon sa iba’t ibang rehiyon .

Naka standby na rin ang mga relief packs para sa mga maaapektuhang lugar. – VICTOR LLANTINO