Handang magbigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng paychosocial support sa nag-viral sa social media na babaeng estudyante na nagbebenta ng sampaguita na itinaboy ng isang sekyu sa may harapan ng isang mall sa Mandaluyong city.
Kaugnay nito, inatasan na ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang DSWD Field Office-National Capital region para hanapin ang bata at kaniyang pamilya para bigyan ng iba pang interventions.
Sa kumalat kasi na video, makikita na sinira ng sekyu ang ibinibentang sampaguita ng bata at sinipa din ito habang itinataboy ilang hakbang lamang mula sa mall.
Inihayag naman ni Sec. Gatchlian na hindi nila kukunsintihin ang pananakit sa bata. Hahanapin din aniy ang sangkot na sekyu para pagsabihan ito kung paano tratuhin ang mga bata sa maayos na paraan upang maiwasan maulit ang ganitong mga insidente ng mishandling.
Samantala, inatasan din ng kalihim ang field office sa NCR na makipag-ugnayan sa pamunuan ng mall kaugnay sa posibleng maibibigay na pagsasanay sa kanilang mga empleyado kung paano ang maayos na pakikipagusap samg bata na nasa parehong mga sitwasyon.
Ipinunto naman ni DSWD spokesperson ASec. Irene Dumlao ang kahalagahan ng kolektibong pagsisikap para matiyak na maproprotektahan ang mga bata mula sa lahat ng uri ng pangaabuso at exploitation.