-- Advertisements --
Handa ang Department of Social Welfare and Development na magbigay ng tulong sa mga tsuper ng dyip na maapektuhan ng ipatutupad na PUV modernization program ng pamahalaan.
Ayon sa DSWD maaring mag-apply ang mga tsuper na maapektuhan ng PUVMP na mga programa at serbisyo ng kagawaran.
Partikular ang Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS na nagbibigay ng pansamantalang ayuda gaya ng pagkain at cash aid sa mga indibidwal at pamilya na nakararanas ng krisis.
Pero sa kabila ng assistance na ibibigay, mahalaga pa rin umanong mabigyan ng kabuhayan ang mga tsuper na posibleng hindi na makapamasada dahil sa PUV modernization program.