-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development na nakahanda sila para maghatid ng tulong sa mga apektadong pamilya ng panibagong pagputok ng Bulkang Kanlaon.

Nakahanda na rin na ideliver ahensya ang mga family food packs at iba pang uri ng tulong.

Ayon kay Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, aabot sa 250,000 boxes ng Family Food Packs ang naka prepositioned na sa kanilang warehouse sa DSWD Field Office (FO) 6 – Western Visayas at 7-Central Visayas.

Patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para sa real time updates ng mga pangangailangan ng pamilyang apektado.

Maaalalang nagpadala rin ng tulong ang ahensya noong December 9 kung saan sumabog ang bulkan kabilang na ang mga bulto ng FFPs sa mga LGUs sa Region 6 at 7.

Inaasahan rin ng ahensya ang pagtaas ng bilang ng mga evacuees habang nagpapatuloy ang mga pag-aalburuto ng bulkan.