Sa gitna ng nakaambang epekto ng El Niño phenomenon sa bansa, nakahanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tulungan ang mga mahihirap at vulnerable na mga komunidad.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Legislative Affairs Irene Dumlao, nakikipagtulungan na ang ahensiya sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno para maibsan ang mga epekto ng mainaasang matinding El Niño na magtatagal hanggang kalagitnaan ng 2024.
Magbibigay din ang ahensiya ng family food packs at iba pang cash for works programs para sa mga maapektuhang komunidad.
Kaugnay nito, ayon kay ASec. Dumlao nagpapatupad ang DSWD ng iba’t ibang mga proyekto at programa bilang pagtugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga ahensiya ng gobyerno na maghanda para sa nakaambang epekto ng naturang phenomenon.
Kabilang sa proyektong ito ang Project Local Adaptation to Water Access or “Project LAWA na layong malinang ang katatagan ng mga komunidad na maapektuhan.
Magbibigay ito ng karagdagang income para suportahan lalo na ang mga magsasaka at mangingisda gayundin mabigyan ng mga water ponds na mahakaga para sa mga aktibidad ng mga komunidad.
Sa kasalukuyan, nasa pilot implementation stage na ito na layuning makapagtayo ng 90 maliliit na farm reservoir sa 9 na lokal na pamahalaan sa Davao de Oro, ifugao at antique.
Inihayag din ng DSWD official na bahagi ang DSWD sa food security cluster sa ilalim ng El Niño national action plan ng pamahalaan.
Samantala tiniyak naman ng Department of Agriculture na siyang nangunguna sa naturang food secuirty cluster ang matatag na suplay ng mga pangunahing food commodities bilang paghahanda sa tagtuyot.