-- Advertisements --
Hinihintay pa rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang resulta ng pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA) sa mga delatang inireklamo na naipamahagi sa Oriental Mindoro.
Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, na malalaman sa pagsusuri kung tunay nga bang expired na ang nasabing mga delatang tuna.
Una rito na inireklamo ng mga residente ng Oriental Mindoro na mayroong masamang amoy ang mga delatang natanggap nila mula sa DSWD kaya agad na ipinasuri ito sa FDA.
Mariing itinanggi naman ng DSWD ang akusasyon at sinabing mayroong hanggang 2025 pa ang mga expiration nito.