Tutol ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa paggamit ng isang partylist group sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Sinabi ni Atty. Paul Tacorda na hindi sila payag na gamitin ng 4PS Partylist o “Pagtibayin at Palaguin ang Pangkabuhayang Pilipino” na tatakbo ngayong halalan ang pangalan ng kanilang programa.
Maaari kasi aniya itong maging sanhi ng landmark issue sa oras na maiakyat na raw ito sa Commission on Elections (Comelec) at hukuman.
Dahil dito ay kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang ahensya sa Securities and Exchange Commission (SEC) para maghain ng reklamo at mabawi ang awtorisasyon sa grupo para gamitin ang nasabing pangalan.
Dadag pa ng opisyal, handa rin na magsagawa ng nararapat na mga hakbang ang DSWD batay sa magiging desisyon ng SEC sakaling makakuha ito ng mataas na boto sa darating na eleksyon.
Sa ngayon ay wala pa namang nagiging reaksyon ang 4Ps Partylist ukol dito.