Hiniling ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang isang mas komprehensibong service package at interbensyon para sa families and individuals in street situations (FISS).
Hiniling ito sa mga pangunahing ahensya ng gobyerno sa unang pulong ng Inter-Agency Committee (IAC) para sa “Oplan Pag -Abot.”
Humiling si Gatchalian ng tulong sa mga miyembrong ahensya para makamit ang mga layuning nakasaad sa Executive Order (EO) No. 52, na naglalayong mapabuti at gawing standard ang probisyon ng social safety.
Sinabi ni Gatchalian na ang mga member-agencies ay magiging special aid at suporta sa DSWD sa paghahatid ng post-reach-out care services sa mga tinulungang kliyente na napapailalim sa mga panganib at pang-aabuso.
Ang mga indibidwal na dating nakatira sa mga lansangan ay makakatanggap ng iba’t ibang interbensyon sa pamamagitan ng Oplan Pag-Abot.
Kabilang ang tulong medikal, tulong sa pagkain, tulong sa transportasyon at relokasyon, mga pagkakataon sa kabuhayan, family support package, at emergency aid at pansamantalang tirahan.