-- Advertisements --
image 317

Hinimok ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga 60 taong gulang pataas na magparehistro sa database ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) bilang suporta sa nagpapatuloy na pagpaparehistro sa buong bansa para sa lahat ng matatandang Pilipino .

Ang National Commission of Senior Citizens ay kasalukuyang nagsasagawa ng isang buong bansa na pagpaparehistro ng lahat ng mga senior citizen gamit ang isang pinahusay na form ng data.

Sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez na ang nationwide database ng mga senior citizen ay magiging isang mahusay na baseline para sa pagbubuo ng polisiya at pag-unlad ng programa para sa proteksyon at pagtataguyod ng sektor ng nakatatanda.

Aniya, ang iba na maaaring walang internet access ay maaaring magparehistro sa pamamagitan ng Office of Senior Citizen Affairs (OSCA) ng kanilang tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Ang nasabing komisyon ay nagtatatag ng database ng senior citizens ng bansa sa ilalim ng Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 11350.

Dagdag dito, hiniling ng DSWD sa publiko na mag-ingat sa pagtugon sa mga spam text at social media posts na nagsasabing ang “ahat ng senior citizen ay makakatanggap ng buwanang pensiyon na nagkakahalaga ng P1,000 mula sa National Commission of Senior Citizens kapag sila ay nagparehistro online.

Nilinaw din ng DSWD na namamahagi pa rin ang departamento ng buwanang Social Pension stipend na P500 sa mga mahihirap na senior citizen, habang hinihintay ang buong paglipat ng social pension program sa National Commission of Senior Citizens.