Hinihikayat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na agad na i-ulat ang mga kaso ng child trafficking, kabilang na ang illegal adoption sa mga bata sa pamamagitan ng iba’t-ibang social media sites.
Ito ay bilang pag-apela ng kagawaran sa taumbayan na itaguyod ang karapatan at proteksyon ng kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang ligtas, maalaga, at mapagmahal na kapaligiran kung saan sila ay maaaring lumaki at makamit ang kanilang buong potensyal.
Samantala, nangako naman ang DSWD na mahigpit itong makikipagtulungan sa mga awtoridad at iba pang ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng mga kabataan sa lahat ng oras.
Binigyang-diin din ahensya ang pagiging miyembro nito ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na siyang nagpapatupad sa Republic Act No. 10364 o ang Expanded Anti-Trafficking in Person Act of 2012.