Hinikayat ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development ang mga benepisyaryo ng 4Ps na magpatala sa Philippine Identification System.
Ayon sa ahensya, kailangang magparehistro sila ng kanilang demographic at biometric information.
Ito ay alinsunod na rin sa direktiba ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na layong tumaas ang numero ng mga 4ps member na mayroong National ID.
Makatutulong rin ito upang maging mas madali ang pagbibigay ng conditional cash transfers sa mga benepisyaryo ng programa.
Ayon sa ahensya, bahagi rin ito ng mga program requirements ng mga benepisyaryo para magtuloy-tuloy ang pagtangap nila ng tulong mula sa gobyerno.
Kung maaalala, nagsanib pwersa ang DSWD at PSA para sa pagrollout ng Philsys registration para sa lahat ng 4Ps member saan mang sulok ng bansa.