Inihayag ng Department of Social Welfare nd Development (DSWD) na kanilang iaassess ang posibleng pagsama sa mga Pilipinong pamilya na maituturing na food poor na hindi naibilang sa targeted list ng mga benepisyaryo ng food stamp program ng pamahalaan.
Ang National Household Targeting System for Poverty Reduction kasi ang ginamit din para tukuyin ang mga posibleng benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Paliwanag ni DSWD Sec. Romel Lopez na mayroong tinatawag na grievance mechanism na nakalatag sakaling may mga nais na dumulog na maituturing na mga food poor na hindi naisama sa programa.
Mangyari lamang ay makipag-ugnayan ang mga ito sa kanilang mga local Social Welfare Development Office para sila ang magpaalam sa DSWD ng mga posibleng candidates para masala para sa posibleng pagsama sa mga ito sa food stamp program.
Ngayong araw nga opisyal na ilulunsad ang pilot run ng food stamp program sa Tondo, Maynila kung saan nasa 50 pamilya ang unang batch na mabibigyan ng food stamp card.
Magsasagawa din ng kick off sa tegeted communities sa Cagayan Valley, Bicol Region, Western Visayas, at Caraga sa susunod na linggo para mabigyan din ang ng food stamp ang nasa 3,000 pang mga pamilya.
Ang pilot implementation ay magtatagal hanggang sa Disyembre 2023 at target ang full implementation nito sa susunod na taon.
Layunin ng programa na masolusyunan ang problema sa kagutuman sa bansa kung saan nasa 1 million pinakamahihirap na pamilya ang target na matulungan hanggang sa taong 2027.
Sa ilalim ng programa, mabibigyan ng electronic benefit transfer card ang mga benepisyaryo na naglalaman ng P3,000 halaga ng food credits kada buwan para ipambili ng piling food commodities mula sa registered o accredited retailers ng DSWD.