Maglulunsad ng imbestigasyon ang Department of Social Welfare and Development sa alegasyon ni Vice President Sara Duterte na pinupulitika umano ang pagbibigay ng ayuda ng gobyerno.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, makikipag-ugnayan muna siya kay VP Sara upang malaman ang buong detalye hinggil sa naturang isyu para ito ay masusing maimbestigahan.
Bahagi aniya ng gagawing imbestigasyon ay para matukoy king may personnel ng DSWD na nakagawa ng paglabag sa polisiya ng ahensiya.
Tiniyak din ng kalihim na tinutulungan ng DSWD ang sinuman na nangangailangan ng tulong may referral man o wala.
Matatandaan na sa isinagawang pagdinig sa panukalang pondo ng Office of the Vice President para sa 2025 sa Senado, nabanggit ni VP Sara na may mga pagkakataong tinatnaggihan ng DSWD ang pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga ini-endorso ng OVP sa kanilang tanggapan.
Narito balikan natin ang naging kasagutan ni VP Sara – AV
Ito ang naging tugon ng Bise Presidente nang tanungin ni Sen. Risa Hontiveros kung ikokonsidera ni VP Sara na ilipat na lamang ang pondo para sa socio-economic programs ng OVP na mayroon na sa ibang line agencies at mag-request ng alokasyon na tugma sa mga prayoridad ng executive departments sa halip na magkaroon ng hiwalay subalit parehong mga programa.