-- Advertisements --

Ikinatuwa ng Department of Social Welfare and Development ang ginawang pag-apruba ni PBBM sa isang panukala na ibilang ang mga buntis at mga breastfeeding mom sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Matapos ang isinagawang sectoral meeting sa Malacañang kahapon, nagbigay ng green light ang pangulo sa panukalang ito ng ahensya.

Ito ay iprinesenta naman ni DSWD Sec. Rex Gatchalian sa Punong Ehekutibo.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sec. Gatchalian na makatutulong ito para mahikayat ang mga miyembro ng 4Ps na tangkilikin ang kanilang mga health services .

Kabilang na rito ang mga serbisyo upang malabanan ang malnutrisyon at pagkabansot ng mga bata.

Nilanaw naman ng kalihim na ang pagbibigay ng pagkakataon para sa mga buntis at nagpapasusong nanay na mapabilang sa 4ps ay pansamantala lamang.