-- Advertisements --

Inabutan ng Department of Social Welfare and Development ng tulong ang aabot sa 12 crew ng isang fishing boat na nasunog noong nakalipas na linggo sa lalawigan ng Masbate.

Ayon sa ahensya , patuloy ang kanilang isinasagawang koordinasyon sa lokal na pamahalaan upang maipaabot ng maayos ang kaukulang tulong.

Kung maaalala, habang naglalagyag ang nasabing bangka sa karagatang sakop ng Masbate ay bigla na lamang itong sumabog at nasunog.

Dahil dito, aabot sa anim na katao ang nasawi dahil sa insidente habang anim ang nakaligtas.

Nakatanggap naman ang mga survivor ng tig 5000 mula sa DSWD at funeral assistance naman sa mga namatayang pamilya.

Nagbigay rin ang ahensya at ang LGUs ng Cawayan at Balud sa pagbibigay ng libreng psychological first aid.