Inatasan na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang lahat ng regional directors ngayong araw na maging alerto para sa posibleng mga epekto ng bagyon Egay.
Ito ay matapos na ibabala ng state weather bureau na posibleng lalo pang lumakas ang bagyo bilang super typhoon sa susunod na linggo.
Kaugnay nito, inatasan na ng kalihim ang regional offices ng DSWD na maigting na makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan kaugnay sa pamamahagi ng relief goods sa kanilang mga nasasakupan.
Base sa latest DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center report, mayroong P1.14 million halaga ng familiy food packs at mahigit P1.12 billion halaga ng non-food at iba pang food items sa buong bansa ang nakapreposition na.
Samantala, iniulat naman ng Disaster Response and Management Group na nasa P1.73 million halaga ng standby funds ang available sa central at field offices ng DSWD.
Nakahanda ring umalalay ang National Resource and Logistics Management Bureau na magbigay ng mga pagkain at non-food items para sa augmentation sa regional offices.
Pagtitiyak pa ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez na gaya ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr mayroong sapat na pagkain at non-food items na nakapreposition sa lahat ng tanggapan ng DSWD sa buong bansa na handang ipamahagi bilang aumentation support sa LGUs.