-- Advertisements --
Inamin ng Department of Socia Welfare and Development (DSWD) na naging mabagal sa pagsisimula ng pamimigay nila ng tulong pinansiyal sa mga apektado ng lockdown sa National Capital Region Plus o NCR-Plus.
Ayon kay DSWD Secretaray Rolando Bautista, na mayroon lamang walong porsiyento ang kanilang naipamahagi nitong Abril 11.
Katumbas ito ng 1.7 milyon sa 22.9 milyon beneficiaries sa NCR, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.
Gaya aniya ng pamamahagi ng ayuda noong nakaraang taon ay naging mabagal sa simula subalit matapos ang apat haggang limang araw ay bumilis na rin ang pamamahagi ng ayuda.
Magugunitang inaprubahan ng pangulo ang pamamahagi ng P1,000 in-kind o in-cash mga pamilya na naapektuhan ng ipinatupad na enhanced community quarantine.