-- Advertisements --

Ipinabatid ng Department of Social Welfare and Development sa publiko na sarado muna ang tanggapan nila sa Central Office sa Batasan sa Quezon City ngayong araw, Hulyo 22, 2024.

Ito ay may kaugnayan sa gaganapin na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon sa kanilang inilabas na pahayag, pansamantala raw munang isasara sa mga pampublikong sasakyan ang Batasan-IBP Road simula mamayang alas-8 ng umaga bilang seguridad sa ikatlong SONA ng Pangulo.

Habang muli naman daw bubuksan ang DSWD Central Office sa darating na Martes, Hulyo 23, 2024.

Samantala, siguro naman ng nasabing ahensya na mananatili naman daw na bukas ang tanggapan ng DSWD Field Offices sa bansa.