-- Advertisements --
image 332

Umaabot na sa 5.3 million Filipinos ang natulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng assistance to individuals in crisis situation (AICS) program.

Ito ay sa loob lamang ng panunungkulan ni Pang. Ferdinand marcos Jr.

Ang nasabing bilang ay mas mataas ng 1.8 million kumpara sa sinundan nitong taon.

Ayon sa tagapagsalita ng DSWD na si Assistant Secretary Romel Lopez, ang pagdami ng mga natulungan ay dahil na rin sa pinabilis na proseso sa ilalim ng nasabing programa.

Ang naitala sa unang taon ni Marcos ay ang pinakamaraming bilang na rin ng natulungan sa nakalipas na limang taon.

Samantala, karaniwan sa mga natutulungan ng assistance to individuals in crisis situation program ay ang mga Pilipinong may sakit, nakaranas ng mga sakuna, at namatayan ng mga kaanak.

Ang DSWD ay nagbibigay ng cash assistance sa mga ito, upang matulungang makabangon mula sa pinagdaanang sitwasyon.

Sa kasalukuyan, plano ng DSWD na lalo pang ilapit ang nasabing programa sa publiko sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga satellite office sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas.