Ipinagmalaki ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga bagong programa para mapabilis at mapaganda ang pagbibigay nila ng serbisyo.
Ilan sa mga dito ay ang bagong online platform sa pagtanggap ng mga donasyon, virtual one-stop-shop regulatory service at ang online system para sa pagbibigay ng travel clearance sa mga bata at ang bagong family welfare model.
Sinabi ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao na ang “Kaagapay Donations Portal” ay malaking tulong para mapabilis ang pagbibigay tulong ng mga mamamayan sa mga nasalanta ng anumang kalamidad.
Habang ang One-Stop-shop ay para maging iisa na ang pagkuha ng mga electronic license at permit system.
Naniniwala ang opisyal na sa nasabing mga bagong programa ay mapapabilis pa lalo ang kanilang pagbibigay nila ng serbisyo lalo na tuwing may kalamidad.