
Isusulong ng Department of Social Welfare and Development(DSWD) ang digitalization ngmga social protection program ng ahensiya.
Ayon kay Sec. Rex Gatchalian, kailangang magkaroon ng digital format ang lahat ng mga social services o mga programang nagpapabuti sa kalagayan ng publiko.
Alinsunod na rin ito aniya sa naging kautusan ni PBBM na digitalization sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.
Inihalimbawa rin ng kalihim ang umanoy nangyari noong kasagsagan ng pandemiya na distribusyon ng tulong sa mga apektadong residente dahil sa kaliwa’t-kanang lockdown.
Paliwanag ng kalihim, naging pahirapan noon ang pamamahagi ng social amelioration assistance dahil sa walang maayos na datus.
Katwiran ng kalihim, kailangan ding mai-angkop ng naturang ahensiya ang mga serbisyo nito para sa publiko, kasabay ng pagbabago ng teknolohiya.
Ang digitalization aniya, ay paraan ng ahensiya upang maging lalo pang maayos ang sistema ng pagbibigay nila ng tulong sa mga Pilipino.