-- Advertisements --

Isinusulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magkaroon ng P15,000 na livelihood program para sa mga vendor at maliliit na tindahan na apektado ng coronavirus pandemic.

Sinabi ni DSWD Undersecretary Restituto Macuto na hinihintay na lamang nila ang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing plano.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa iba’t-ibang mga local government unit para sa nasabing plano.

Titignan ng DSWD kung kaya ng isang vendor na panatilihin ang kaniyang negosyo sa nasabing halaga.