-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development ang mabilisang paghahatid ng ayuda sa buong Bicol region na sinalanta ng ST Pepito kamakailan.

Katuwang dito ng ahensya ang mga tauhan at kintawan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection.

Layon ng pagtutulungang ito na agarang maihatid ang mga pangunahing pangangailangan ng rehiyon lalong lalo na ng mga Bikolano matapos ang pananalasa ng bagyo.

Naihatid na rin ng DSWD Field Office V – Bicol Region sa pamamagitan ng sampung track ang karagdagang 16,550 FFPs mula sa kanilang warehouse.

Tugon rin ito ng ahensya sa mga residente na nawalan ng tahanan dahil sa bagyo.

Iniulat rin nito ang kanilang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.