Mas pinabilis ng Kaagapay Donations Portal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapadala ng mga donasyon at tulong sa mga apektadong residente ng naging pagsabog ng Bulkang Kanlaon kamakailan lamang.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Partnership Building and Resource Mobilization Atty. Marie Rafael, malaking tulong ang paggamit ng Kaagapay Donations Portal dahil mas madali at transparent na ang mga transaksyon sa online platform na ito lalo na ngayong nagalburotong muli ang Kanlaon.
Aniya, sa pamamagitan nito, hindi na nangangailangan pang dumayo at magpunta ng publiko at ng mga donors sa regional offices o maging sa mga bangko para lamang makapagpaabot ng tulong.
Sa ilalim kasi ng portal, maaaring direktang magbigay ng donasyon sa mga organisayon at maging sa mga rehistradong kagawaran at maging sa mga local government units sa bans.
Samantala, hinikayat naman ni Rafael ang publiko na magpaabot ng tulong para sa mga apektadong residente sa pamamagitan ng portal para hindi na rin kkailanganin ng mga ito na tumungo pa sa mismong field offices ng kanilang ahensya.
Aniya, maaari na lamang makapagdonate ang publiko at donors sa pamamagitan na lamang ng kani-kanilang devices.
Makikita din aniya a Kaagapay Donations Portal ang mga listahan ng mga LGU’s na naapektuhan ng sakuna na maaaring direktang abutan ng tulong ng mga ito lalo na kung nangangailangan ng karagdagang tulong.
Sa ngayon, patuloy naman ang ahensya sa pagtanggap ng tulong mula sa publiko sa pamamagitan ng portal na it at maging ang pagboboluntaryo sa repacking ng mga family food packs na ipapamahagi naman sa mga apetakdong residente ng explosive eruption ng Kanlaon.