Magbibigay ng livelihood assistance ang Department of Social Welfare and Development para sa mga biktima ng nangyaring lindol sa Davao de Oro nitong Miyerkules, Pebrero 1.
Ang mga maliliit na negosyo umano ay labis na naapektohan sa nasabing lindol, kaya naman humingi ng tulong ang local government ng Davao de Oro sa nasabing ahensya.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, pagdating raw sa relief goods ay nakapaghanda naman ang kanilang ahensya ngunit, sinabi ng mga opisyal sa Davao de Oro na ang sitwasyon naman raw ay manageable at kaya na nilang tugunan, ang inaasahan nalang raw nilang tulong mula sa Department of Social Welfare and Development ay itong livelihood assistance.
Matatandaan na niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang bahagi ng Mindanao at naitala ang epicenter ng lindol sa layong 14 kilometer sa hilagang silangan ng New Bataan, Davao de Oro.
Samantala, patuloy paring pinag iingat ang mga tao sa nasabing lugar dahil maaaring magkaroon pa ng mga aftershocks.