Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na handa ang ahensya na makipagtulungan sa Department of Education (DepEd) para suportahan ang mga learning program nito na nakatuon sa pagbabawas ng illiteracy sa bansa.
Ang nasabing hakbang ay matapos ang pagkumpleto ng pilot tesing ng Tara, Basa! program.
Ayon sa DSWD, hindi rin magiging matagumpay ang paglulunsad ng nasabing programa kung hindi sa tulong ng DepEd.
Ang programa ay nagpapakita ng whole-of-the-government approach na laging itinataguyod ng administrasyong Marcos Jr.
Sa ilalim ng Tara, Basa! Tutoring Program, natulungan ng DSWD ang 31,234 na nahihirapan at hindi nagbabasa sa elementarya.
Gayundin ang 31,207 na magulang at tagapag-alaga sa pamamagitan ng mga session ng pagbabasa at pagiging magulang na isinagawa ng mga sinanay na mag-aaral sa kolehiyo.
Muling iginiit ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ipagpapatuloy ng DSWD ang tutoring program sa Metro Manila at palalawakin ito sa mga karatig rehiyon kabilang ang lalawigan ng Bulacan gayundin ang Marawi, at Taraka sa Mindanao.